Chokoleit may paramdam bago pumanaw: Siyempre ako ang mauuna!!
Mar 11, 2019
  • 1,662,739
  • 4,491
  • 747

Chokoleit may paramdam bago pumanaw: Siyempre ako ang mauuna, kung ako ang huli baka hindi ko na kayo abutan!

TILA may premonisyon at paramdam na ang komedyanteng si #Chokoleit bago siya pumanaw.

Hirap na raw magsalita ang stand-up comedian at hinahabol ang hininga habang nagpe-perform sa “Variety Show” nitong Sabado ng gabi, sa Abra Sports Complex, Bangued, Abra.
Ito ay ayon na rin kay Carl Guevarra, member ng grupong The Juans na nakasama ni Chokokeit sa nasabing event.

“Unbelievable. Chokoleit performed right after our set and we witnessed how he struggled through the entire performance. The ambulance rushed him to the hospital in Vigan but now we were informed he didnt make it and passed away. We are all in shock. Prayers to all his loved ones. RIP,” aniya sa kanyang Faceboom post.

Dugtong pa niya, “Chokoleit’s last words are chilling. Still can’t believe how life just passes by. Hope this helps us appreciate life and our loved ones. RIP.”

Bukod sa The Juans, nakasama rin sa “Variety Show” sina Coleen Garcia, Enchong Dee, Paulo Avelino, JM de Guzman, Ryza Cenon at Pops Fernandez, base na rin sa poster na ginamit sa promo nito.

Nag-post din si Carl ng isang video kung saan mapapanood ang stand-up performance ni Chokoleit na aniya’y parang pagpaparamdan na rin ng komedyante sa kanyang pagpanaw.
“Mas masarap palang ang performer nakakarinig agad ng masigabong palakpakan para ganahan ang performer! Ganun! Ganyan! Totoo ‘yan, malaking bagay ang palakpak. Nakakaganang magtrabaho pag may palakpak,” simulang sabi ni Chokie.